sa pesteng insekto sa tenga ko
na dapat sana ay tulog ako kundi lang sa masakit kong tenga na
napasukan ng isang epal na hayop kagabi.di ko alam kung bakit ako nag-summer class...parang
isang adiksyon na kahit naiisip mong mali ay hindi mo kayang tiisin,
lalo na kapag nasasarapan at nage-enjoy ka. hindi ko rin maisip kung
bakit ako nagsusulat dito ng walang kawawaang bagay na kung tutuusin
ay nakakasakit lang ng kamay at mata...pero salamat na rin at may
blog tayo dahil kung wala e baka mabaliw na ako...sa sobrang
kakatihan para maglabas ng katangahan, kaepalan at
kabulastugan...mejo bad trip pa nga dahil hindi ko alam kung sino ang yayayain kong mag-lunch after ng class natin..
para akong tinutunaw na magnolia ice cream sa bubungan ng crush kong
nag-ba-barbeque sa kanto...hindi ko rin lubos maisip kung bakit
nagpapapansin ang epal na pusa ng aming kapitbahay at napili pa nyang
makipag-landian sa aming alagang aso...o baka naiinggit lang ako
dahil kahit na they are of the opposite worlds at hindi tanggap ng
lipunan ang kanilang relasyon, heto pa rin sila, tuloy sa paglaban ng
unos ng buhay at heat wave...magkasama sa hirap ng pagtulog dahil sa
init sa labas at sa ginhawa ng pag-share ng pagkain ng isa't
isa...pasensya na kayo dahil sa oras na umabot na kayo sa part na eto
e for sure na bad trip na kayo dahil nasayang ang ilang minuto nyo sa
pagbasa sa walang kwentang article na ito...tinopak lang ako...at
marahil ay nadagdagan pa ng pesteng insekto na ginawang bahay-
bakasyunan ang tenga ko...
salamat sa pagbasa!!!
see u around...
